Home METRO Metro Manila, Bulacan, iba pang lugar binaha

Metro Manila, Bulacan, iba pang lugar binaha

262
0

MANILA, Philippines- Binaha ang ilang lugar sa Metro Manila at iba pang lalawigan sa bansa tulad ng Zamboanga nitong weekend dahi sa malakas na pag-ulan sa gitna ng Southwest Monsoon o Habagat at low pressure area (LPA).

Sa Zamboanga City, umabot ang baha sa average na taas ng tao, dahilan upang lumikas ang mga pamilya, base sa ulat nitong Linggo. Umapaw din ang ilog sa lugar dahilan upang umabot ito sa mga karatig-daan at mga kabahayan.

Nasa 27 pamilya ang pansamantalang inilikas sa Cabatangan Barangay Hall, at 25 pa sa Ayala gymnasium dahil sa baha. Patuloy ang pagsasagawa ng mga awtoridad ng rescue operations, kung saan ikinasa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang Blue Alert mula Biyernes, dahil sa masamang lagay ng panahon.

Naiulat ang isang nasawi, lalaki, matapos malunod habang naglalangoy sa dagat.

Gayundin, binaha ang San Jose Del Monte sa Bulacan, at Roxas Boulevard.

Sa Barangay San Rafael I sa SJDM, mabilis tumaas ang tubig dahilan upang mapinsala ang bridge railing at kumalat ang basura sa daan.

“In the span of 30 minutes, talagang sumobrang laki na po ng tubig. Kaya hindi po namin sukat-akalain na lalaki nang sobrang laki yung tubig, at babahain kami ng sobra,” pahayag ng isang barangay official. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here