MANILA, Philippines- Muling pinagtibay ng Pilipinas at Estados Unidos ang kanilang malakas na alyansa bilang pundasyon ng kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific.
Kasama ito sa commitment na mas palawakin ang ‘security at economic cooperation’ sa gitna ng pagpipilit ng Tsina sa South China Sea.
Sa idinaos na pagpupulong sa Washington, DC, pinag-usapan nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at US Secretary of State Marco Rubio ang tumitinding hamon dahil sa ‘provocative actions’ ng Tsina sa pinagtatalunang isla sa West Philippine Sea.
Kapwa binigyang-diin ng dalawang lider ang matigas na paninindigan ng mga ito na pagtibayin ang international law at tiyakin ang freedom of navigation sa rehiyon.
Si Manalo ay kasalukuyang nasa working visit sa Estados Unidos. Kasama niya si Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez sa pakikipagpulong nito kay Rubio.
Bilang karagdagan sa security matters, napagkasunduan nina Manalo at Rubio na palakasin ang economic ties na makapaghatid ng tunay na benepisyo sa mga mamamayan sa dalawang bansa.
Nasaliksik din sa miting ang posibilidad ng bagong proyekto para sa regional cooperation, partikular na ang trilateral initiatives sangkot ang Japan, gaya ng Luzon Economic Corridor — isang major infrastructure at trade project naglalayon na gawing mahusay ang economic connectivity ng Pilipinas at sa buong Indo-Pacific region.
Ang miting ay marka ng hakbang pasulong sa nagpapatuloy na paglago ng US-Philippine relations, nakatuon hindi lamang sa seguridad kundi sa pagpapatibay ng economic resilience at kapayapaan sa rehiyon.
Ang nasabing ‘reaffirmation of the alliance’ ay bunsod ng tumataas na tensyon sa South China Sea, kung saan ang Philippine maritime vessels ay makailang ulit na hinarang at hinarass (harass) ng Chinese ships sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas. Kris Jose