Home METRO Seguridad ng mga mamamahayag tinalakay ng PTFoMS; bagong PRO4 Press Corps Calabarzon...

Seguridad ng mga mamamahayag tinalakay ng PTFoMS; bagong PRO4 Press Corps Calabarzon officers nanumpa

224
0

MANILA, Philippines- Kasabay ng pagtalakay sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal at miyembro ng PRO4 Press Corps Calabarzon, kay PBGen. Paul Kenneth T. Lucas Regional Director ng PRO4 Calabarzon na ginanap kahapon sa Sambisig Hall sa Camp BGen. Vicente Lim Calamba City, Laguna.

Base sa pahayag ni PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, isinusulong ang kaayusan at kapayapaan ng mga probinsya na kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng ibinibigay na suporta ng mga mamamahayag na maiparating sa publiko ang mga nagyayari sa bansa.

Pinangunahan ni PLt. Col Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng PRO4A RPIO, ang pagtalakay sa  seguridad at kaligtasan ng mga mamamahayag, kabilang ang kooperasyon sa gobyerno at media para sa proteksyon ng mga mamamahayag. Bukod dito, kailangan din ang pakikipagtulungan at pagkakaisa ng media sa pamamagitan ng kaagad na pagbibigay-alam sa awtoridad kapag mayroong natatanggap na pagbabanta sa kanilang buhay.

Samantala, nanumpa kay PBGen. Paul Kenneth T. Lucas PRO4 Calabarzon Regional Director ang mga bagong halal na opisyal at miyembro ng PRO4 Press Corps Calabarzon na ginanap sa Sambisig Hall sa Camp BGen. Vicente Lim Calamba City, Laguna: si Ms. Ellen Apostol ng Remate / Remate Online (President), Jane Eleda ng Peoples Journal (Secretary), Rhoderick Palatino ng Hataw (Chairman of the Board), Ross Calderon ng GMA Integrated News (Board of Director), Ella Mercado ng AFP Radio DWDD (Board of Director), Martin Banaag ng Net 25 (Member), Ed Amoroso ng Philippine Star  (Chairman Emeritus), not in photo Sol Luzano, Destiny Radio (Vice President), Christian Lopez, UNTV (Auditor), Cristina Timbang, Pilipino Star Ngayon (Treasurer), Jojo Magsumbol, Peoples Tonight (Board of Director, Eric Dastas, DZRH (Ways and Means) Tony Sandoval, Pilipino Star Ngayon (Board of Director), Sherwin Culubong, UNTV (Member) at Paul Gutierrez Police Files Tonight (Adviser). Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here