MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA na maaaring maapektuhan ng habagat ang mga selebrasyon sa Araw ng Kalayaan, Hunyo 12.
Inaasahan ang pag-ulan at malalakas na hangin sa Pangasinan, Zambales, Bataan, Palawan, at Occidental Mindoro.
Maulap na kalangitan at kalat-kalat na ulan din ang posibleng maranasan sa iba pang bahagi ng Luzon at Kanlurang Visayas. Maaaring maranasan ang maalong karagatan sa mga lugar na may malalakas na hangin.
May sinusubaybayang bagyo sa labas ng bansa ngunit wala itong direktang epekto sa Pilipinas. RNT