Home NATIONWIDE Alamin: Mga kalsadang isasara sa Araw ng Kalayaan

Alamin: Mga kalsadang isasara sa Araw ng Kalayaan

297
0

MANILA, Philippines – Pansamantalang isasara ang ilang pangunahing kalsada patungo sa Rizal Park kaugnay ng pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isasara ang northbound at southbound lanes ng Roxas Boulevard mula Buendia hanggang P. Burgos Drive simula alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-11:00 ng umaga.

Bukod dito, pansamantalang isasara rin ang mga sumusunod na kalsada:

Bonifacio Drive (mula P. Burgos hanggang Anda Circle)

TM Kalaw (mula Taft Avenue hanggang Roxas Boulevard)

P. Burgos (mula Taft Avenue hanggang Roxas Boulevard)

Finance Road (mula Taft Avenue hanggang P. Burgos Drive)

Maria Orosa (mula TM Kalaw hanggang P. Burgos Drive)

Samantala, ang kahabaan ng Katigbak Drive, Independence Road, at South Road ay isasara simula alas-12:01 ng hatinggabi hanggang alas-11:30 ng umaga.

Pinapayuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta, lalo na ang mga planong dumaan sa Roxas Boulevard at mga kalapit na lugar sa Maynila. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here