Santa Rosa City, Laguna — Isang kabuuang halagang P3.4 milyon ng hinihinalang mga bloke ng dahon at buto ng marijuana ang isinuko sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Laguna Provincial Office noong Hunyo 12, 2025, bandang 10:10 ng umaga.
Ayon sa ulat, tinatayang nasa 30 kilo ng pinaghihinalaang marijuana na nagkakahalaga ng P3,460,000 ang dinala sa PDEA Regional Office 4A sa Barangay Sinalhan, Santa Rosa City, Laguna, upang isailalim sa chemical analysis.







