MANILA, Philippines – Pinapayuhan ng Philippine Embassy sa Israel ang lahat ng Pilipino na manatili sa kanilang mga tahanan sa nasabing bansa habang tumitindi ang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Mula Hunyo 13 hanggang 14, nasa ilalim ng “Essential Activity” status ang Israel—walang pasok sa klase, bawal ang pagtitipon, at tanging essential services lang ang pinapayagang mag-operate.
Dapat ding maging handa ang mga Pilipino na pumasok sa shelter o ligtas na lugar kung may missile alert.
Sumunod sa IDF at embassy advisories, at tumutok sa mapagkakatiwalaang balita. Para sa emergency, tumawag sa +972 54-4661188. RNT






