Home ENTERTAINMENT Gerald, pumiyok na sa lagay ng relasyon kay Julia!

Gerald, pumiyok na sa lagay ng relasyon kay Julia!

Manila, Philippines – Sa tatlong nag-interbyu kay Gerald Anderson lumabas ang pagtanggi niyang nagkakalabuan sila ng nobyang si Julia Barretto.

Ito’y sina Toni Gonzaga, Karen Davila at Julius Babao.

Kamakailan nga’y umalingawngaw ang tsikang buwag na ang real-life romance ng JuRald.

Naging basis din ang no-show ni Gerald sa birthday celebration ng ina ni Julia na si Marjorie.

Pero depensa ng aktor, inihatid pa niya ang nobya sa airport patungong Dubai.

Sa vlog interview ni Hayo Anzures, inamin ni Gerald na totoong may pagkukulang siya kay Julia.

Dahil dito’y gusto niyang makabawi.

Nag-isyu rin ng corroborative statement ang online program nina Ogie Diaz.

Kinumpirma nga nilang nag-alanganin ang relasyon ng dalawa.

Ikinatuwa naman ni Ogie at ng kanyang mga kasama sa program na maayos na uli ang couple.

Kunsabagay, all relationships naman go through some rough patch.

At least, ang kina Julia at Gerald ay naagapan bago pa ito nauwi sa ganap na hiwalayan! Ronnie Carrasco III