MANILA, Philippines – Halos 3,000 rebeldeng miyembro ng iba’t ibang grupo ang nag-apply ng amnestiya ayon sa National Amnesty Commission (NAC). Karamihan ay mula sa CPP-NPA-NDF na galing sa Caraga, Eastern Visayas, at Northern Mindanao.
Sumunod ang MILF (778 aplikante), MNLF, at ang may pinakamababa ay RPMP-RPA-ABB (67).
Target ng NAC na tumanggap ng hanggang 10,000 aplikasyon.
Bago ang Araw ng Kalayaan, 25 aplikante ang nabigyan ng safe conduct pass na panandaliang proteksyon laban sa pag-aresto habang inaasikaso ang kanilang aplikasyon.
Ang amnestiya ay base sa mga Proclamation No. 403–406 ni Pangulong Marcos noong Nobyembre 2023. RNT