MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources na ang viral na litrato na nagpapakita ng nakakalbong Sierra Madre dahil sa pagmimina ng Dinapigue Mining Corporation (DMC) ay nasa labas ng protektadong lugar ng Northern Sierra Madre Natural Park (NSMNP) at ng buffer zone nito.
Ayon sa DENR, kumpleto at balido ang mga permit ng DMC, kabilang ang Environmental Compliance Certificate na inisyu noong 2008 at kontrata sa pagmimina hanggang 2032.
Nitong Mayo 2025, pasado sa monitoring ang operasyon ng kumpanya.
Nakapagtanim na ang DMC ng mahigit 626,000 punla at aktibo sa mga programang pangkalikasan at pangkomunidad.
Tiniyak ng DENR na ang konsultasyon sa komunidad ay ginagawa nang bukas, may partisipasyon ng mga ahensya ng gobyerno at mga katutubo. RNT