Home NATIONWIDE 165,000 kapos na klasrum aabutin ng 55-taon para masolusyunan – Angara

165,000 kapos na klasrum aabutin ng 55-taon para masolusyunan – Angara

MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na aabutin ng 55 taon para masolusyunan ang kakulangan ng 165,000 silid-aralan kung susundin ang kasalukuyang budget.

Isinusulong niya ang Public-Private Partnership (PPP) kung saan magtatayo ang pribadong sektor ng classrooms at babayaran ito ng gobyerno sa loob ng 10 taon.

Walang gastos sa mga estudyante o magulang. Sa modelong ito, posibleng makapagtayo ng 10,000 classrooms kada taon.

Bahagi ito ng tugon sa krisis sa edukasyon dulot ng kakulangan sa pasilidad.

Pinag-aaralan din ng DepEd ang limitadong hybrid learning para sa senior high schools sa mga lugar na sobra ang siksikan.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang DepEd sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa pilot implementation ng PPP model. RNT