Home NATIONWIDE DOH nakatutok sa kalusugan ng mga guro, estudyante

DOH nakatutok sa kalusugan ng mga guro, estudyante

283
0

MANILA, Philippines- Tinutukan ng Department of Health (DOH) ang kalusugan ng mga guro at school department sa pamamagitan ng pagsasagawa ng libreng check-up at medical services, kasabay ng paghahanda sa Brigada Eskwela.

Pagtitiyak ng DOH, magtutuloy-tuloy ang mga serbisyo para sa mga mag-aaral sa mga darating na buwan para masuportahan ang kanilang kalusugan.

Ngayong pasukan, nais ng DOH na suportado ang kalusugan sa mga paaralan upang mapanatili ang malusog na pamumuhay ng mga kabataan dahil malaking oras ang ginugugol nila sa eskwela.

Alinsunod sa Universal Health Care law ang pagsuporta ng DOH sa mga paaralan na kumikilala sa mga paaralan bilang mahalagang lugar upang isulong ang kalusugan ng kabataan at ng mga guro. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here