Home HOME BANNER STORY Bigtime oil price hike kasado sa Martes

Bigtime oil price hike kasado sa Martes

140
0

MANILA, Philippines- Bad news ang hatid ng mga kompanya ng langis sa bansa sa mga motorista partikular na sa mga pampublikong sasakyan dahil magpapatupad sila ng malakihang dagdag-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P1.80 sa kada litro ng gasolina at diesel, habang P1.50 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May bigtime oil price hike din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel na magiging epektibo bukas ng alas-4:01 ng hapon.

Ang ipatutupad na malakihang dagdag-presyo sa mga nasabing produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaang nito lamang Martes ay nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa na P0.60 sa kada litro ng gasolina, P0.95 sa kada litro ng diesel at P0.30 naman sa kada litro ng kerosene. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here