Home NATIONWIDE OFW na apektado ng missile strikes sa Israel aassistihan ng PH Embassy

OFW na apektado ng missile strikes sa Israel aassistihan ng PH Embassy

288
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Embassy sa Israel na magpapadala ito ng tulong sa Overseas Filipino worker (OFW) na apektado ng missile strikes sa Israel.

Sa ulat, nasagip umano ang OFW mula sa missile strikes matapos magtago sa isang shelter.

Dahil napinsala ng missile strike ang kanyang bahay, inilipat ang OFW sa isang hotel sa Tel Aviv.

Inihayag ng Philippine Embassy na magpapadala ito ng tulong at psychosocial support para sa OFW sa mga susunod na araw.

Hinimok din nito ang mga Pilipino sa mga apektadong lugar na  lumikas sa ligtas na lugar kapag may missile alert upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Sa hiwalay na ulat,  nasa apat na Pilipino ang sugatan sa retaliatory airstrikes ng Iran sa Israel, ayon sa embahada.

Anang Philippine embassy, umiiral ang high alert sa gitna ng kaguluhan sa rehiyon. Nitong Biyernes, inatake ng Israel ang Iran, sinabing nais itong pigilan ang Iran sa paggawa ng atomic weapons at paglalabas ng ballistic missile capabilities nito.

Gumanti naman ang Iran sa pamamagitan ng paglulunsad ng airstrikes nito sa Israel.

Sa isang liham sa United Nations, inilarawan ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi ang pag-atake bilang “declaration of war” at “called on the Security Council to immediately address this issue,” base sa ministry. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here