Home NATIONWIDE 8 police chiefs pumalya sa ‘5-minute response’ policy, sinibak

8 police chiefs pumalya sa ‘5-minute response’ policy, sinibak

MANILA, Philippines- Tinanggal sa pwesto ang walong police chiefs sa Metro Manila kasunod ng pagpalyang ipatupad ang Five-Minute Response Time policy, ayon sa ulat.

Sinabi ni PNP chief Police General Nicolas Torre III sa isang panayam na tumanggi ang police officials na tumalima sa polisiya.

Naka-assign ang mga nasabing opisyal sa Navotas, Caloocan, Valenzuela, Mandaluyong, Marikina, San Juan, Parañaque, at Makati, ayon kay PNP spokesperson Brigadier General Jean Fajardo.

Samantala, sinabi ni Torre na ilan pang police officials ang inaasahang mapapatalsik sa kanilang pwesto, kabilang ang provincial directors sa Central Visayas.

Dagdag ni Torre, may nakapila nang hahalili sa mga tinanggal na opisyal.

Nauna nang sinabi ng PNP na nagsisilbi ang 5-Minute Response Time Strategy na major departure mula sa tradisyunal na precinct-based policing.

Tinitiyak din ng parograma ang agad na natutugunan ang pagpapasaklolo ng mga mamamayan, anumang oras. RNT/SA