Home NATIONWIDE 2 opisyal ng LTO sibak sa pananakit – Dizon

2 opisyal ng LTO sibak sa pananakit – Dizon

279
0

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Pinatatanggal na sa kanilang serbisyo ang dalawang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) Region 2 matapos ang ginawa nilang pananakit at pambabastos sa isang dalagang mang-aawit, ina ng dalaga, at ang dalawa pa nitong kasamahan sa Pulsar Hotel, Barangay Caggay, Tuguegarao City, Cagayan.

Ibinahagi ni Transportation Secretary Vince Dizon na nakatakdang sampahan ng kasong physical assault sina LTO Region 2 Assistant Regional Director Manuel Baricaua at Chief Enforcer Charles Ursulum.

Hiniling din ng mga biktima na kasama rin sana na matanggal ang kanilang Regional Director dahil kasama rin na nambastos umano sa miyembro ng banda.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Dizon na sumulat na siya kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para permanente nang tanggalin ang dalawa sa kanilang posisyon.

Binigyang-diin ni Dizon na ang mga opisyal ng gobyerno ay nasa puwesto para mag-serbisyo at hindi maghari-harian at mang-abuso at manakit.

Matatandaan ding inilunsad na ng Police Regional Office 2 ang imbestigasyon sa insidenteng kinasasangkutan ng dalawang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) Region 2 na nahaharap sa tatlong kaso kabilang na ang unjust vexation, slight physical injury, at paglabag sa Republic Act 7610 o ang batas na naglalayong protektahan ang mga bata laban sa pang-aabuso, pansasamantala, at diskriminasyon. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here