Home NATIONWIDE Inaarestong Chinese naghurumentado; NBI inatake

Inaarestong Chinese naghurumentado; NBI inatake

201
0

MANILA, Philippines – Isang Chinese national ang marahas na umatake sa tatlong ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa gitna ng isinagawang entrapment operation sa isang gusali sa Parañaque City.

Ayon sa NBI Criminal Intelligence Division, naganap ang insidente sa loob ng gusali kung saan isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek na sangkot umano sa isang robbery-extortion case.

Sa isang video na kuha sa operasyon, makikita ang isang NBI agent na napaatras matapos suntukin sa mukha ng isang lalaking Chinese. Nagpumiglas at nagwala umano ang banyaga nang arestuhin ng mga operatiba ang kanyang kasama.

Ayon kay Noel Bocaling, assistant director ng NBI Intelligence Service, tatlong ahente ang nasaktan sa engkuwentro.

“Lumaban at nanakit ang suspek, kaya’t nakakabahala ang kanyang pag-uugali,” pahayag ni Bocaling. “Kinailangan ng puwersa para mapigil siya.”

Batay sa ulat ng NBI, isa sa mga Chinese suspects ay inireklamo dahil sa umano’y pag-iingat ng pasaporte ng biktima bilang ransom. Dahil dito, ikinasa ng mga awtoridad ang entrapment operation.

Kapwa nahaharap sa kasong robbery-extortion ang dalawang Chinese nationals. Tumanggi naman silang magbigay ng pahayag hinggil sa insidente. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here