MANILA, Philippines – Mariing tinanggihan ni Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei ang panawagan ni U.S. President Donald Trump para sa “unconditional surrender” ng Iran, kasabay ng babala na anumang pag-atake ng Amerika ay magdudulot ng “hindi matatawarang pinsala.”
Sa kanyang talumpati sa telebisyon, sinabi ni Khamenei na hindi kailanman susuko ang sambayanang Iranian sa banta.
Sa panig ng Amerika, sinabi ni Trump na ubos na ang kanyang pasensya pero hindi pa rin malinaw kung ano ang susunod niyang hakbang. Tumanggi siyang sabihin kung sasali ang U.S. sa pambobomba ng Israel laban sa Iran.
Nagkagulo ang mga mamamayan sa Tehran matapos ang serye ng airstrike ng Israel. Ayon sa militar ng Israel, winasak ng kanilang mga eroplano ang punong himpilan ng internal security ng Iran at iba pang pasilidad na konektado sa paggawa ng misil.
Patuloy rin ang paninindigan ni Trump sa social media—una’y binanggit ang posibleng pagpatay kay Khamenei, pagkatapos ay nanawagan ng “UNCONDITIONAL SURRENDER!” RNT