MANILA, Philippines – Nanguna ang graduate ng Pangasinan State University-Urdaneta, sa June 2025 Architects Licensure Exam, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).
Sa kabuuang 2,075 kumuha ng pagsusulit, 1,352 ang pumasa. Ginawa ang exam noong Hunyo 11 at 13 sa mga testing center sa iba’t ibang lungsod sa bansa.
Si King Nixon Castro Mabanta ng PSU-Urdaneta ay nakakuha ng 88.10% na marka.
Narito ang kumpletong listahan ng pasok sa top 10:
Ang Mapua University-Manila naman ang nangunang paaralan matapos pumasa ang 62 sa 63 examinees nito.
Samantala, 78 sa 158 ang pumasa sa Special Professional Licensure Exam (SPLE) para sa mga arkitektong kumuha ng exam sa abroad, kabilang ang UAE, Saudi Arabia, Qatar, Bahrain, Kuwait, at Singapore.