MANILA, Philippines – Ipinasasampa na ng Department of Justice ang dalawang bilang ng kasong kidnapping for ransom with homicide laban kay Gong Wen Li alyas “Kelly” kaugnay sa kidnapping at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que.
“The Department of Justice finds prima facie evidence with reasonable certainty of conviction as against Gong Wen Li a.k.a. ‘Kelly’ in the Kidnapping for Ransom with Homicide of Anson Que.”
Sa resolusyon, inabsuwelto naman sa kaso ang anak ni Anson na si Alvin Que dahil sa kawalan ng ebidensiya para patunayan na may kinalaman ito sa pagpaslang sa ama.
Batay sa resolusyon, inirekomenda rin na maipasa sa PNP-Anti-Cybercrime Group para sa case build-up ang mga respondent na sina Yuan Haohua, Yuan Fanquiang, at Lee Hsiao Ting.
Kailangan tukuyin ng PNP kung nilabag ng mga respondent ang AFASA Law.
Tiniyak naman ng DOJ na ipagkakaloob sa mga respondent ang due process at mapoprotektahan ang kanilang constitutional rights sa buong panahon ng paglilitis.
Magugunita na noong 29 Marso 2025, magkasama ang 67-anyos na Chinese businessman na si Congyuan Guo a.k.a. Anson Tan/Anson Que at ang driver nitong si Armanie Pabillo lulan ng itim na Lexus van papunta ng Parañaque City.
Iniulat ng pamilya ang pagdukot matapos makatanggap ng mensahe na humihingi ng ransom ang mga dumukot kapalit ng kalayaan ni Que. Sa kabila ng ransom payments, pinatay pa rin sina Anson Que at Pabillo. Teresa Tavares