Home NATIONWIDE Witness protection program sa whistleblower sa missing sabungeros bubusisiin ng DOJ

Witness protection program sa whistleblower sa missing sabungeros bubusisiin ng DOJ

(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Bukas ang Department of Justice (DOJ) na busisiin ang mga isiniwalat ng sinasabing whistleblower sa kaso ng mga nawawalang sabungero

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nais niyang makausap si alyas “Totoy,” na isa sa mga akusado sa kaso ng mga sabungero na apat na taon nang nawawala.

Nais mabusisi ng kalihim ang mga salaysay ni alyas Totoy at alamin din kung ang sinasabi ng ibang testigo ay kapareho sa mga nakarating sa kanyang tanggapan.

Pag-aaralan din ng DOJ ang posibilidad na ipasok si Totoy sa Witness Protection Program bunsod ng posibleng panganib sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya dahil sa kanyang mga isiniwalat.

Una nang ibinunyag ni alyas Totoy na patay na umano ang mga nawawalang sabungero.

Bagamat hindi niya direktang masabi kung buhay pa ang mga nawawala, sinabi niyang “mukhang malabo na,” at inilahad pa na ibinaon umano ang mga ito sa Taal Lake matapos patayin sa pamamagitan ng pagkakasakal gamit ang tie wire. Teresa Tavares