Home ENTERTAINMENT Sen. Grace, ‘sinermunan’ ni Lovi!

Sen. Grace, ‘sinermunan’ ni Lovi!

290
0

Manila, Philippines – Baligtad na yata ang mundo ngayon.

Kung sino pa kasi ang nakatatandang kapatid, ay siya pang “sinesermunan” ng mas bata.

Ganiyan ang closeness sa pagitan nina Senator Grace Poe at Lovi Poe.

Actually, hindi naman sermon ang ginawa ng aktres sa pulitikong kapatid.

It’s more of a gentle reminder.

Ngayong June 30, matatapos na ang 12 taong tuluy-tuloy na paglilingkod ni Grace bilang mambabatas.

Kaya naman may payo si Lovi — mag-unwind, dahil deserve naman daw ito ng kanyang ate.

Ani Lovi, “Congratulations on your 12 amazing years. I’m proud of you. I’ll always be here cheering you on!”

Humanga ang aktres sa ipinamalas na performance ng kanyang ate all throughout her term.

“Your leadership goes beyond titles!” saad ni Lovi.

Marami nga ang nagsasabing ang kanilang ama, ang legendary King of Philippine Movies, ay siguradong nakangiti mula sa langit sa pagkikitang magkasundo at malapit sa isa’t isa ang kanyang mga anak.

Tama si Lovi — panahon na para si Grace naman ang huminga at magpahinga! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here