Home ENTERTAINMENT Carlos, sinopla ang epal na netizen!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Carlos, sinopla ang epal na netizen!June 19, 2025 19:00 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – May hugot pero magalang pa ring sinupalpal ni Carlos Agassi ang isang male netizen na may pagkamaangas.Noong una’y puro papuri muna ang netizen.“Pogi ka nga, maganda katawan mo, mayaman ka pero wala kang kuwenta kasi hindi mo mabigyan ng anak ang asawa mo!”Ang misis na tinutukoy nito’y si Sarina, na laging isinasali ng actor-model sa kanyang mga vlogs.Obyus na ikinapanting ng tenga ni Carlos ang taklesang komentong ’yon.Depensa niya: “Hindi lahat ng tao, goal ang magkaanak. ’Yung iba nga, hindi hands-on mag-alaga kundi pinaaalagaan sa yaya o sa ibang tao.”Mahinahon pero malinaw na naiparating ni Carlos ang kanyang mensahe.Dagdag pa niya, kung ano raw ang kaloob ng Diyos ay tatanggapin niya.Aniya: “Hindi sa ayaw ko magkaanak but I leave it all up to the Lord.”Matatandaang kamakailan ay inilabas ni Carlos ang kanyang hinampo makaraang maaksidente.May dudang masama ang loob ni Carlos sa ilang kapwa artista na pinagkaitan siya ng tulong.Ronnie Carrasco III