Home ENTERTAINMENT Pa-audition sa Batang Quiapo, fake news; Coco, may panawagan!

Pa-audition sa Batang Quiapo, fake news; Coco, may panawagan!

302
0

Manila, Philippines – May mga post sa iba’t ibang social media accounts na diumano’y may magaganap na audition para sa karagdagang cast ng serye ni Coco Martin na FPJ’s Batang Quiapo. Pero wala itong katotohanan—isa itong fake news.

Nang makarating nga kay Coco ang tungkol sa fake news na pa-audition, agad niyang kinausap ang production staff ng kanyang CCM Productions upang maglabas ng advisory na walang audition na magaganap.

Kaya’t agad ding nagbabala ang CCM Film Productions tungkol sa mga pekeng pa-audition na wala silang kinalaman.

Post nila, PUBLIC ADVISORY:
“We warn the public against fake audition announcements circulating online for FPJ’s Batang Quiapo. All official casting calls are made only through CCM Film Productions and Dreamscape.

Do not entertain unverified posts or messages asking for personal information or payments.

For legitimate updates, follow the official pages of CCM Film Productions and Dreamscape. Stay vigilant!” Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here