Manila, Philippines – Sa kasagsagan ng pagpo-promote noon ng kanilang pelikula noong nakaraang taon, sinabi ni LA Santos na nagtangka siyang ligawan ang leading lady niyang si Kira Balinger.
Katunayan, ayon sa actor-singer, binasted daw siya ni Kira.
Gayunpaman, nauunawaan daw naman niya ang partner kung wala sa prayoridad nito ang pagkakaroon ng relasyon.
Sa guesting naman sa vlog ni Karen Davila kamakailan, naurirat si Kira hinggil sa kanyang lovelife.
Tanong ni Karen: “Na-link ka sa ilang co-stars. Were you ever involved with any of them?”
Sagot ni Kira: “Maybe. I will not lie, kasi at 24 po, Miss Karen, would you believe if I said no?”
Susog ni Karen: “What happened?”
Tugon ni Kira: “I was in a relationship with one. For a very long time.”
Usisa ni Karen: “Sino? With LA?”
Hirit ni Kira: “Uhm, maybe? Pero open secret. ’Di naman namin tinatago, pag nakikita kami sa labas.”
Sa ngayon daw ay hiwalay na sila dahil nagpo-focus sila sa kanilang mga prayoridad.