Home NATIONWIDE Muslim prayer room itatayo sa NAIA Terminal 2

Muslim prayer room itatayo sa NAIA Terminal 2

289
0

MANILA, Philippines – Magtatayo na ng Muslim prayer room sa departure area ng NAIA Terminal 2 kasunod ng apela ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Ang nasabing prayer room ay magsisilbing tahimik na lugar para sa kapayapaan, dignidad, at pagmumuni-muni, partikular na mahalaga para sa komunidad ng mga Muslim sa bansa, kabilang ang milyun-milyong mula sa Mindanao at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na marami sa kanila ay regular na naglalakbay sa NAIA para sa trabaho, paglalakbay, o pag-aaral.

Ito ay matapos na mapansin ni Pangandaman na habang may lugar para sa panalangin sa arrival area, wala namang nakalaang espasyo sa departure section.

Bunsod nito, umapela si Pangandaman sa Department of Transportation at San Miguel Corporation kung saan agad nilang tinugunan.

Sa kaniyang social media post, pinasalamatan ni Pangandaman ang si DOTr Secretary Vince Dizon at San Miguel Corporation Chief Executive Officer Ramon S. Ang sa kanilang malasakit at suporta para sa mas inklusibong paliparan.

Bilang unang babaeng Muslim na Budget Secretary at isang Maranao, patuloy ang adbokasiya ni Pangandaman para sa inklusibo at makataong pamahalaan sa ilalim ng Bagong Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here