Home NATIONWIDE Pinalayang Pinoy seafarers, tumanggap ng suporta sa DMW

Pinalayang Pinoy seafarers, tumanggap ng suporta sa DMW

234
0

MANILA, Philippines – Pormal na tinanggap ng Department of Migrant Workers (DMW) ang dalawang Filipino seafarer mula sa MV Century Royal sa Central Office nito sa Mandaluyong City noong Hunyo 19, 2025 kasunod ng kanilang ligtas na pagbabalik mula sa pagkabihag sa Haiti.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga overseas Filipino worker (OFWs) na nasa kagipitan at tiyakin ang kanilang muling pagsasama, ang DMW ay mahigpit na nakikipag-ugnayan sa manning agency ng mga marino upang matiyak ang kanilang full recovery at magbigay ng kinakailangang suporta sa kanila.

“The President was very glad to hear of your safe release. His words were, ‘Very good.’ Nandito ang government, rest assured you will be supported and will be provided assistance for your recovery and reintegration,” sabi ni Migrant Secretary Cacdac.

Ang dalawang seafarers ay crew ng MV Century Royal na binihag sa Haiti noong Abril 2025.

Kasama ni Cacdac si Undersecretaries Bernard P. Olalia at Felicitas Q. Bay, Assistant Secretary Maria Regina Galias, at DMW Directors, nang makipagpulong sa mga maybahay ng mga seafarers at kinatawan mula sa mga concerned manning agency.

Ang DMW ay nagbigay ng tulong sa mga biktima na nagkakahalaga ng P75,000 bawat isa sa ilalim ng AKSYON Fund sa kanilang pagdating noong Mayo 23 at Hunyo 17, 2025.

Nakatakda ring magbigay ng karagdagang suporta ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), lalo na sa kanilang mga anak. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here