Home ENTERTAINMENT Anak ni Goma, pasok sa Sea Games!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Anak ni Goma, pasok sa Sea Games!June 20, 2025 14:591920 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Ivy, Alexa at Juliana.If you think this is another Si Aida, Si Lorna o Si Fe kind of movie, nagkakamali po kayo.Sina Ivy, Alexa at Juliana ang tatlong kinatawan ng Ormoc City sa darating na SEA Games na gaganapin sa Thailand sa darating na Disyembre.If the name Juliana rings a bell, siya lang naman ang nag-lisang anak nina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez.Proud dad nga si Richard dahil sina Ivy, Alexa at Juliana ay mula sa Ormoc City na kabilang sa Women’s Epee National Team.Hindi ito ang unang pagkakataong nakalikha ng pangalan si Juliana sa larangan ng fencing.Pinagkalooban na siya ng gintong medalya sa UAAP ng University of the Philippines.Chip off the old block ngang matatawag si Juliana na nagmana sa ama in more ways than one.Sa kaso nga lang ng aktor-pulitiko, hindi lang fencing ang kanyang sport.“Side hustle” din ang office work para kay Julia na nagtatrabaho rin bilang assistant sa ama in his government tasks.Ang obyus lang na hindi namana ni Juliana ay ang interes ng kanyang mga magulang sa showbiz. Ronnie Carrasco III