Home NATIONWIDE Anti-illegal drugs campaign palalakasin ng PCG

Anti-illegal drugs campaign palalakasin ng PCG

209
0
Namataan ng mga lokal na mangingisda ang panibagong mga floating shabu na nagkakahalaga ng P104,720,000 sa dagat na sakop ng Cagayan. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – Bunsod ng sunod-sunod na nadiskubreng mga iligal na droga sa dagat, agad na ipinag-utos ni PCG Admiral Ronnie Gavan na palakasin pa ang mga operasyon laban sa iligal na droga sa katubigan ng Pilipinas.

Ang mga natuklasang malaking halaga ng iligal na droga, lalo na ang cocaine, sa mga tubig ng Pilipinas ay nagpapakita ng patuloy na pagtatangka ng mga sindikato na magpuslit ng droga sa pamamagitan ng dagat.

Ayon kay Admiral Gavan, alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang seguridad sa lahat ng daungan at mga daanan ng tubig upang mapigilan ang pagpasok ng iligal na droga sa bansa.

Kasama rin sa direktiba ng Pangulo ang agarang pagsira sa mga nakumpiskang kontrabando nang may transparency.

Nais rin ni Gavan na palawakin ang pakikipagtulungan sa mga mangingisda at komunidad sa baybayin upang mas mapigilan ang pagpasok ng iligal na droga bilang bahagi na rin ng pagpapalakas ng operasyon.

Kinikilala rin ng PCG ang mahalagang papel ng mga mangingisda sa pag-uulat ng mga natagpuang iligal na droga sa dagat.

Maglalagay sila ng mas maraming tauhan at sasakyang pandagat at magpapatupad ng 24/7 na operasyon, lalo na sa mga rehiyon ng Hilagang-Kanluran at Hilagang-Silangang Luzon.
(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here