Home HEALTH Ozamiz City, may mpox case na rin

Ozamiz City, may mpox case na rin

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Ozamiz City ang kanilang unang kaso ng mpox.

Kasalukuyang naka-isolate at nagpapagaling na ang pasyente matapos kusang magpatingin sa Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. Medical Center.

Nagsimula na ang City Health Office ng contact tracing upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Pinawi ni Mayor Indy Oaminal ang pangamba ng publiko sa pamamagitan ng pagsasabing ang strain ay Clade II, isang banayad at kusang gumagaling na uri ng virus.

Hinikayat niya ang mga residente na maging mapagmatyag at agad mag-report kapag nakaranas ng mga sintomas gaya ng masakit na rashes, pamamaga ng lymph nodes, lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, o pananakit ng likod. Mahalaga pa rin ang tamang kalinisan at pag-iwas sa direktang kontak ng balat.

Ani Mayor Oaminal, “Kahit na ang strain ay hindi nakamamatay, hindi tayo dapat maging kampante. Maging mapagmatyag at sundin ang mga ipinapakitang proteksyon laban sa virus. Sa unang sintomas ng Mpox, agad magtungo sa pinakamalapit na pasilidad pangkalusugan.” RNT