Home ENTERTAINMENT Angel, naaadik sa video games!

Angel, naaadik sa video games!

Manila, Philippines — Hindi pala boring ang domestic life ni Angel Locsin.

Balitang ang nagpapasaya at nagpapakalma sa kanya ay ang paglalaro ng computer games.

Naitsika nga ng matalik na kaibigan ni Angel na si Dimples Romana na totally nag-detoxify na ang aktres sa social media.

Maging ang mobile phone daw ay bihirang hawakan ni Angel.

Sa halip, balitang lukung-luko ang inactive Kapamilya actress sa paglalaro ng video games.

Ito raw ang pastime ni Angel buong maghapon.

Hindi maiwasang isipin ng mga netizens na wala talaga sa immediate plans ni Angel na bumalik sa showbiz.

Taliwas ito sa naunang naisulat na mukhang umubra ang convincing power ng ABS-CBN executive na si Cory Vidanes na himukin ang aktres na mag-stage ng TV comeback.

Pahulaan kasi ng mga netizens kung sino kina Angel at Andi Eigenmann na parehong kinausap ni Cory ang unang magbabalik.

Kung ganoon ka-busy si Angel sa paglalaro ng video games, ano pa nga ba ang aasahan?

Samantala, base sa isang kamakailang pag-aaral sa 2,000 na mga estudyante, ang mga naglalaro ng computer games nang tatlong oras araw-araw ay nakakakuha ng mataas na marka sa written exams.

Ang problema, hindi ito applicable kay Angel dahil hindi siya kasalukuyang nag-aaral.

Mas inaabangan ang pagbabalik niya sa showbiz kaysa sa paaralan. (Ronnie Carrasco III)