Home HOME BANNER STORY Pilipinas nanawagan diplomasya, pagpapahupa ng tensyon sa pag-atake ng US sa Iran

Pilipinas nanawagan diplomasya, pagpapahupa ng tensyon sa pag-atake ng US sa Iran

325
0

MANILA, Pihlippines – Nanawagan ang Pilipinas para sa pagpapahupa ng tensyon at nanawagan ng demokrasya sa magkabilang partido, kasunod ng pag-atake ng Estados Unidos sa nuclear sites ng Iran nitong weekend.

Sa pahayag nitong Linggo, Hunyo 22, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang bansa, na may malaking bilang ng mga manggagawa sa Middle East, ay “greatly concerned” over the developments in the region “in these last few hours.”

“We strongly urge concerned parties to take the path of diplomacy and avoid further escalation of this conflict that could threaten regional and international peace and security,” sinabi pa.

Nasa 30,000 Pinoy ang nasa Israel at mahigit 1,100 naman sa Iran.

Ang Pilipinas ay isa sa top labor-exporting nations sa mundo na mayroong 10 million skilled at unskilled workers sa iba’t ibang panig ng mundo, kung saan ang mga ito ay nahaharap sa iba’t ibang civil strife at armed conflict, abuses, maging ang unfair labor practices.

May malaking bahagi rin ang remittances mula sa Filipino migrant workers bilang source ng foreign exchange ng bansa sa ipinapadalang
mahigit $35 bilyon kada taon.

“The welfare and safety of Filipinos in the region are of primordial concern, and the Philippine government will relentlessly continue to advance and prioritize their protection,” ayon sa DFA.

Sa televised address nitong weekend, sinabi ni US President Donald Trump na pinabagsak nito ang key nuclear facilities ng Iran. Ito ay ang Natanz, Isfahan at Fordow, kasabay ng pagtawag sa mga strike bilang isang “spectacular military success.”

Nangako naman ang Iran na gaganti ito.

“The Philippines continues to reiterate the need for a peaceful and diplomatic solution to this crisis,” ayon sa DFA. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here