Home NATIONWIDE Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ang Southwest Monsoon o Habagat ngayong Lunes, Hunyo 23.

Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila, Calabarzon, BARMM, Soccsksargen, Davao Region, Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa habagat.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil din sa habagat. RNT/JGC