MANILA, Philippines – Sinuspinde ng pamahalaang panlalawigan ng Cavite ang pasok sa ilang antas ng paaralan sa probinsya ngayong Lunes, Hunyo 23, 2025 bilang paghahanda sa “moderate to heavy rains with lightning and strong winds” na tinataya ng PAGASA.
Sa Facebook post nitong Linggo, sinabi ni Cavite Governor Athena Tolentino na suspendido ang pasok sa preschool at senior high school sa pampubliko at pribadong paaralan ngayong araw.
“College and university classes will be subject to the discretion of each institution’s administration,” dagdag pa nito. RNT/JGC