Home ENTERTAINMENT Cristine, sinabing tatayo kahit nadapa, pasilip sa estado ng puso!

Cristine, sinabing tatayo kahit nadapa, pasilip sa estado ng puso!

Manila, Philippines- Hinintay lang ni Cristine Reyes na mag-40 days ang kanyang Daddy

Metring para sagutin ang tungkol sa estado ng kanyang puso.

Balita na kasing hiwalay na sila ng nobyong si Marco Gumabao.

Limang taon din ang itinagal ng kanilang relasyon.

Kelan lang, ginunita ng aktres ang ika-40 araw ng kanyang tatay-tatayan mula nang pumanaw ito.

In her Instagram account, ipinost ni

Cristine ang larawan ng lapida nito at kuha sa wake.

Si Daddy Metring ang hinanapan niya ng tirahan sa Santolan area noong nagdedelikado na, as he needed sunlight.

Post ng aktres, kahit malupit ang tadhana’y alam daw niyang ginagabayan siya nito.

Sa pagkakataong ito na nagpahiwatig si Cristine what went wrong with her personal life–bordering on her romantic relationship.

Post niya: “Tatayo ako kahit ako’y nadapa!”

Kung matatandaan, wari’y kinumpirma na rin ng kanyang Ate Ara Mina ang hiwalayan nila ni Marco in her guesting on Fast Talk with Boy Abunda.

Ani Ara, kung anuman daw ang kanyang alam: “It stays with me.”

Wala raw siya sa posisyon na magsalta as she knows that Cristine is mature enough.

Inamin din ni Ara na ibinahagi niya ang kanyang thoughts about her sister’s relationship when asked for her piece of advice. Ronnie Carrasco III