Home HOME BANNER STORY PBBM nakabalik na galing Japan

PBBM nakabalik na galing Japan

MANILA, Philippines – BALIK-PILIPINAS na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Linggo ng gabi kasunod ng four-day working visit sa Osaka, Japan, kung saan nakakuha siya ng bagong investment commitments at inilunsad ang Philippine Pavilion for World Expo 2025.

Sa katunayan, lumapag sa Maynila ang eroplanong lulan kay Pangulong Marcos at kanyang delegasyon ng alas-6 ng gabi.

“I have just returned from a productive working visit to Osaka, Japan, where we secured new opportunities that will create jobs, bring in investments and help improve the lives of Filipinos,” ang sinabi ni Pangulong MArcos sa kanyang arrival statement.

Sa kabilang dako, pInasinayaan ni Pangulong Marcos ang Philippine Pavilion sa World Expo 2025 sa Osaka, binigyang diin ang commitment ng bansa sa ‘innovation, culture at sustainability.’

“It tells the world the story of a nation rich in culture, driven by innovation and committed to building a sustainable and inclusive future,” anito.

Kasama sa mga inanunsyong mahalagang kasunduan ay ang partnership sa pagitan ng Kanadevia Corporation at Philippine Ecology Systems Corp. para sa waste-to-energy project; att sang green shipbuilding initiative ng Tsuneishi Group sa Cebu, na magtatayo ng first methanol dual-fueled KAMSARMAX bulk carrier sa buong mundo.

“These projects will generate jobs and position the Philippines as a leader in clean energy and green shipping,” ang naging pahayag ng Pangulo.

Winika pa ng Pangulo na nakapulong niya ang mga opisyal ng Japan Tourism Agency, Japan Association of Travel Agents, Japan-Philippines Tourism Council, Kansai Airports, at airline companies Philippine Airlines at Cebu Pacific para paghusayin ang tourism cooperation at makalikha ng mas maraming employment opportunities para sa mga manggagawang Filipino.

Isa pang naging highlight sa naging pagbisita ng Pangulo ay pakikipagpulong niya sa Japan Aerospace Exploration Agency para ‘explore collaborations in space technology’ na naglalayong ayusin ang ‘disaster monitoring, agricultural support at community safety.’

Nagtapos naman ang four-day working visit ni Pangulong Marcos sa Osaka, Japan sa pamamagitan ng pakikipagpulong sa mga miyembro ng Filipino community sa Osaka.

“I thanked them for representing our country with dignity, professionalism and compassion that continue to bring pride to our nation,” ani Pangulong Marcos.

Ang pagbisita ng Pangulo ay bago pa ang 70th anniversary ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Japan noong 2026.

Itinatag ng dalawang bansa ang pormal na ugnayan noong 1956 at mula noon ay napanatili ang matibay na ‘economic, political at cultural partnerships.’ Kris Jose