Home NATIONWIDE 3 minero natabunan nang buhay, patay sa Benguet

3 minero natabunan nang buhay, patay sa Benguet

298
0

MANILA, Philippines – Patay ang tatlong minero makaraang matabunan ng lupa habang sila ay nasa loob ng barong-barong na pansamantalang tirahan na mayroon 100 metro ang taas mula sa gumuhong lupa sa Brgy. Camp 5, Acupan, Barangay Virac, Itogon, Benguet.

Halos inabot ng dalawang oras ang rescue operation kung saan naging pahirapan ito dahil sa malalaking batong gumuho bago nila natagpuan ang tatlong minerong natabunan dakong 6:30 kagabi, Hunyo 22.

Naitakbo pa sa pagamutan ang mga minero ngunit idineklara silang dead on arrival.

Nasugatan naman sa insidente ang isang 16-anyos na lalaki matapos itong makatakbo at masugatan dahil sa mga naglaglagang bato. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here