
MANILA, Philippines – Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Special Enforcement Team kasama ang 45th Special Action Company, 4th Special Action Battalion, the 51st Infantry Battalion, at Marawi City Police Station ang isang high-value target sa buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Bangolo Poblacion, Marawi City nitong Linggo, Hunyo 22.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakasamsam ng dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱13,600,000.






