Home ENTERTAINMENT Bea, nagpahula, sinabihang magpakasal muna sa huwes!

Bea, nagpahula, sinabihang magpakasal muna sa huwes!

Manila, Philippines- Generally, walang masamang maniwala sa hula.

In the first place, kaya nga hula ‘yon dahil hit or miss.

Puwedeng magkatotoo, puwede ring sumablay.

Isa si Bea Alonzo who subscribes to hula.

Kasama si Cacai Bautista, nagpahula si Bea who asked the fortune teller her chances of getting married–kelan daw ba ‘yon?

And the answer she got ay pag tuntong daw niya ng 40 anyos.

That time ay 33 years old pa lang ang aktres.

Bale ba, ayon sa manghuhula ay advisable kung magpapakasal muna si Bea under civil rites.

To follow na lang daw ang church wedding.

Sa ngayon, sa October 17 pa magti-38 years old ang Kapuso actress.

Which means, based on the hula ay may dalawang taon pa siya.

Na-discuss kaya ito ni Bea sa rumored boyfriend niyang si Vincent Co?

At kung oo, is the Puregold scion willing to wait that long?

Sabi rin kasi ng manghuhula, Bea will end up marrying a guy older than her.

Si Vincent na kaya ‘yon? Ronnie Carrasco III