MANILA, Philippines – Idineklara ng Supreme Court na ang mga kandidato na pumangalawa sa eleksyon ay hindi maaaring ideklarang nanalo kahit na-disqualify ang nanalong kandidato.
Sa 37 pahinang desisyon ng SC En Banc, ang tinatawag na ‘second placer rule’ ay walang basehan sa batas.
Ang desisyon ng SC ay pagbaliktad sa naging desisyon nito noon sa Jalosjos Jr. v Comelec na limitado sa sitwasyon kung saan ang certificate of candidacy ng first placer ay balido sa panahon na naghain ito ng COC.
Nabatid na ang “second placer rule” ay isang prinsipyo kung saan ang kandidatong pumangalawa sa boto ay maaaring ideklarang nanalo kung ang nanalong kandidato ay madiskwalipika.
Sa bagong desisyon ng Korte Suprema, tila hindi na ito ipatutupad.
Ayon kasi sa SC, walang batas na nagsasabing dapat italaga ang second placer bilang kapalit ng disqualified na nanalong kandidato. TERESA TAVARES