MANILA, Philippines – NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabuksan ang Marawi General Hospital sa darating na Agosto ngayong taon.
Sinabi ito ng Pangulo matapos na bisitahin at inspeksyunin ang Marawi General Hospital at iba pang pasilidad sa lalawigan.
”We are giving the contractors and all of government agencies deadline of August na mabuksan na ‘yung ospital para makapagserbisyo na sa taumbayam,” ayon sa Pangulo.
Aniya, ang 100-bed hospital ay mayroong sapat na power supply, Gayunman, kailangan pa rin ang standby generator upang sa gayon ay patuloy pa ang operasyon sa kabila ng power outage.
Ang pagkakaroon ng generator ay isa ring requirement ng Department of Health (DoH).
“When it comes to the water supply, concerned agencies are working with the Department of National Defense as the system is located inside the DND camp,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
”I’m happy to see that we are at least making some progress after such a long time,” aniya pa rin.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay kabilang sa ‘reconstruction at rehabilitation’ ng lungsod.
”Dati hindi pa sila na-involve. Ngayon, na-involve na ang BARMM para sa funding, para sa lahat ng kailangan ng – para i-accelerate na natin itong reconstruction and rehabilitation ng City of Marawi,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Matatandaang, ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pagbuo ng Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation and Development (OPAMRD), para sa pagpapabilis ng rebuilding ng Marawi City at mga kalapit nitong lugar.
Sa ilalim ng Executive Order No. 78, ang tanggapan na ito ay pamumunuan ng Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation (PAMR), na mapapasailalim naman sa kontro ng at supervision ng Office of the Special Assistant to the President (OSAP).
Ilan lamang sa inaasahang function ng tanggapan ang pagpapabatid kay Pangulong Marcos ng lahat ng usapin o update na mayroong kinalaman sa rehabilitasyon, development, at restoration ng kapayapaan sa Marawi City.
Kabilang rin ang pangangasiwa, monitoring, coordinating, at pag-harmonize ng lahat ng istratehiya, programa, at proyekto, at makipagugnayan sa concerned LGUs para sa implementasyon ng mga programa, aktibidad, at proyekto na mayroong kinalaman sa Marawi City rehabilitation and development.
Pirmado ni Pangulong Marcos ang kautusan, ika-28 ng Nobyembre, 2024. Kris Jose