Home NATIONWIDE Online gambling ads ipagbawal – grupo

Online gambling ads ipagbawal – grupo

194
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Atty. Nicasio Conti at ang kanyang grupo sa gobyerno na ipagbawal ang mga online gambling ads dahil sa negatibong epekto nito sa pamilya, kabataan, at mga mahihinang sektor.

Inilarawan niya ang online gambling bilang “silent epidemic” na bukas 24/7 at ginagawang normal ang pagkagumon dahil sa agresibong mga patalastas.

“It is available 24/7, targets the most financially at-risk, and is being disguised as entertainment. The glamorization of gambling through aggressive ads is normalizing addiction and destroying lives quietly,” ani Conti, dating Commissioner of the Presidential Anti-Graft Commission.

Hinihikayat niya ang PAGCOR, BSP, DICT, at Kongreso na magtulungan upang magkaroon ng mga proteksyon tulad ng mga umiiral sa mga maunlad na bansa.

Naitigil na rin ng gobyerno ang operasyon ng 7,000 ilegal na online gaming websites.

Binibigyang-diin ni Conti na ang pagsusugal ay hindi na simpleng bisyo lamang kundi isyung panlipunan na may malalim na epekto sa mental health, kahirapan, at korapsyon, kaya kailangang baguhin ang mga batas para sa digital na panahon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here