Home NATIONWIDE Pagbomba ng tubig ng China sa PH ships kinondena ng US at...

Pagbomba ng tubig ng China sa PH ships kinondena ng US at Canda

281
0

MANILA, Philippines – Mariing kinondena ng Estados Unidos, sa pamamagitan ng embahada nito sa Maynila, ang China Coast Guard matapos nitong hagupitin ng water cannon ang mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ayon sa Estados Unidos, nasira nito ang isang lehitimong misyon ng Pilipinas sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

“The United States stands with the Philippines in upholding freedom of navigation and condemning the China Coast Guard’s dangerous actions that disrupted a lawful Philippine mission to provide supplies to fisherfolk within the Philippine EEZ,” ayon sa pahayag ng US Embassy sa Maynila noong Lunes, Hunyo 23.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang Canada sa panibagong agresibong hakbang ng China laban sa mga barkong Pilipino, kabilang na ang pagbuntot at paniniktik sa mga barko ng BFAR.

“Canada is concerned by another unprovoked incident involving Chinese vessels using water cannons against civilian BFAR Region 6 vessels supporting traditional fishing communities in the South China Sea,” ayon naman sa pahayag ng Embahada ng Canada sa Pilipinas.

“Coercion and intimidation have no place in a stable, peaceful, and prosperous Indo-Pacific region,” dagdag pa nito.

Sa ulat, nitong Hunyo 20, hinagupit ng water cannon ng China Coast Guard vessel 4203 ang BRP Datu Matanam Taradapit (MMOV 3006) habang naghahatid ito ng mahahalagang suplay sa mga Pilipinong mangingisda.

Di-umano’y sinundan, binuntutan, at tinutukan pa ng Chinese militia vessels at mga barko ng People’s Liberation Army Navy (PLA Navy) ang BRP Datu Matanam Taradapit sa loob ng EEZ ng Pilipinas.

Samantala, nanawagan ang National Maritime Council (NMC) sa China na itigil na ang mga ilegal na aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here