Home NATIONWIDE Tirahan ng 127 Pinoy sa Israel naabo sa pag-atake ng Iran

Tirahan ng 127 Pinoy sa Israel naabo sa pag-atake ng Iran

MANILA, Philippines – Mahigit 100 Pilipino sa Israel ang nawalan ng tahanan dahil sa mga missile strike ng Iran, ayon sa ulat ng embahada ng Pilipinas nitong Lunes.

Kabuuang 127 Pilipino ang naapektuhan, 118 ang nailipat sa pansamantalang tirahan habang 9 ang kasalukuyang pinoproseso para sa resettlement.

Isang Pilipino ang nasa critical condition matapos sumailalim sa major lung surgery, habang ilan naman ay gumaling at nakalabas na ng ospital. May 26 Overseas Filipino Workers (OFWs) na boluntaryong umuwi, at 50 pa ang nakatakdang i-repatriate.

Itinaas ng gobyerno ang Alert Level 3 sa Israel at hinihikayat ang boluntaryong pag-uwi, habang nananawagan ng diplomasya upang maiwasan ang paglala ng sigalot. RNT