Home HOME BANNER STORY ‘Bloodless’ drug war nakalambat ng ng P62B shabu- PBBM 

‘Bloodless’ drug war nakalambat ng ng P62B shabu- PBBM 

237
0

MANILA, Philippines – IPINAGMALAKI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tagumpay ng gobyerno sa “bloodless” antinarcotics drive sa nakalipas na tatlong taon.

Dahil dito, inatasan ni Pangulong Marcos ang mga tagapagpatupad ng batas na kagyat na sirain ang kontrabando para mapigilan ito na mabili sa kalye.

Tinukoy ang P62 bilyong halaga ng “shabu” (crystal meth) na nasamsam ng mga awtoridad sa mga operasyon kabilang na iyong nalambat ng mga lokal na mangingisda.

Sa katunayan, nagbigay ng direktiba si Pangulong Marcos matapos inspeksyunin ang 1,304 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P8.871 billion na natuklasan ng mga mangingisda na lulutang-lutang sa baybaying-dagat ng Gitnang Luzon, Ilocos at Cagayan Valley region kamakailan.

Ang ilegal na droga na nakaimbak sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) headquarters sa Quezon City ay sisirain, araw ng Miyerkules, Hunyo 25 sa waste management facility sa Capas, Tarlac, kung saan personal na sasaksihan ni Pangulong Marcos. Naka-iskedyul din para sirain ang 226.043 kilo ng assorted dangerous drugs na nagkakahalaga ng P609 million na nasamsam sa magkahiwalay na operasyon at ipinag-utos na wasakin ng iba’t ibang korte.

Sinabi pa ng Pangulo na ang mga pakete ng shabu na na-recover sa labas ng lalawigan ng Zambales, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Pangasinan and Cagayan ay itinuturing na pinakamalaking ‘drug haul’ sa nakalipas na anim na buwan.

“In the last three years, we have been able to interdict P62-billion worth of methamphetamine that we seized, which is the largest considering the time that we are putting it under the past three years,” ayon sa Pangulo.

“We are hitting the drug trade at the highest level and at the lowest level, and we are beginning to see some measure of success. So we will continue this,” aniya pa rin.

Kaya nga, hinikayat nito ang Philippine National Police at iba pang law enforcement agencies na ituloy lamang ang giyera laban sa ilegal na droga “sa mapayapang paraan.”

“The new concept of the war against drugs is working. So, we will continue down that vein. And I think we are beginning to see the good effects of that new policy,” ang winika ni Pangulong Marcos.

Ang nasabing “bloodless” antinarcotics campaign, binigyang diin i Pangulong Marcos ay pagharap sa problema ng illegal drugs na ibang-iba mula sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan nakita at nakapagtala ng mahigit sa 6,000 drug suspects na nasawi sa operasyon at summary executions.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Pangulong Marcos na mas paiigtingin pa ang kanilang kampanya na pigilan o hadlangan ang drug addiction sa mga pinoy at maging ang rehabilitasyon ng drug dependents.

Mahigpit namang ipatutupad ng mga law enforcers ang anti-illegal drugs law ng bansa sa pamamagitan ng pagtugis sa mga drug lords at kanilang sindikato at kanilang ga tauhan na nagbebenta ng narcotics sa komunidad.

“Those selling illegal drugs, shabu on street corners, we should also go after them. Because if they are there, the people feel that they are not safe. People feel unsafe if these drug peddlers are near their homes and schools,” ang winika ng Pangulo.

Samantala, hiniling naman ni Pangulong Marcos sa mga media organizations na saksihan ang gagawing pagsira ng PDEA sa ilegal na droga upang masiguro ang transparency.

Sa nakalipas aniya kasi, may mga tiwaling law enforcers ang nagtatago ng ilang kilo ng shabu at muling ibebenta ito sa komunidad. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here