Home NATIONWIDE Power bank sumabog sa Roxas Airport

Power bank sumabog sa Roxas Airport

MANILA, Philippines – Nasunog at sumabog ang power bank ng isang pasahero sa Roxas Airport sa Capiz.

Ayon sa ulat, ang power bank na ginagamit para i-charge ang cellphone, ay bigla na lamang nag-spark at kalaunan ay nasunog kasabay ng inspeksyon para sa pasaherong patungo ng Maynila.

Agad namang naapula ang sunog at walang nasaktan sa insidente.

Sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines na ang power bank ay lampas sa 16-watt-hour allowable capacity sa eroplano. RNT/JGC