Kumpiyansa si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na magbubunga ang gagawin nilang mahabang ensayo bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup 2025 na gaganapin sa Jeddah, Saudi Arabia.
Ayon kay Cone sisimulan nila sa Hunyo 30 ang ensayo at pagkatapos nito ay magsaagawa sila ng training camp sa Pampanga.
Orihinal na nakatakda ang ensayo ng Gilas sa Hulyo 27, subalit nais ni Cone ng mas mahabang ensayo para sa national basketball team.
Makakasama ni Cone sa pag-babantay sa ensayo sina Richard Del Rosario at Sean Chambers.
Target nilang gawing 18 beses ang ensayo na kinabibilangan ng dalawang beses sa isang araw na ensayo.
Siniguro ni Cone na walang magiging problema sa schedule ng mga overseas-based players na sina Dwight Ramos, Carl Tamayo at Kevin Quiambao.