Home NATIONWIDE Kanlaon nakapagtala ng mas maraming volcanic quakes

Kanlaon nakapagtala ng mas maraming volcanic quakes

246
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Bulkang Kanlaon na 19 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes, Hunyo 27.

Ang bilang na ito ay mas mataas sa apat na volcanic earthquakes na naitala noong nakaraang araw.

Batay sa pinakabagong monitoring, nagbuga rin ang bulkan ng 1,232 tonelada ng sulfur dioxide, na bumaba naman mula sa 2,626 tons noong Huwebes.

Patuloy din ang degassing sa bulkan at nagkaroon ng voluminous 900-meter-high plume.

Nananatili naman ang Alert Level 3 na babala sa Bulkang Kanlaon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here