MANILA, Philippines – Pinuri ng Department of Transportation (DOTr) ang naging agarang aksyon ng pamunuan ng Civil Aeronautics Board (CAB) kaugnay sa hindi makatarungang airfares sa booking platform ng AirAsia MOVE.
Sa naging aksyon ng CAB, agad na pinagmulta ang nasabing booking platform alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tiyaking na lahat ng mga Pilipino ay may access sa ligtas, patas at abot-kayang paglalakbay.
Ayon sa DOTr, ang P6 milyong penalty na ipinataw sa AirASia MOVE ay isang malinaw na mensahe na hindi kukunsintihin ng gobyerno ang anumang uri ng pang-aabuso sa mga pasaherong Filipino.
Patuloy na poprotektahan ng DOTr ang karapatan ng mga pasahero at pananagutin ang mga lumalabag sa itinatag na mga regulasyon sa consumer protection. Jocelyn Tabangcura-Domenden