MANILA, Philippines – Laglag sa operasyon ng pulisya ang dalawang lalaking wanted sa magkahiwalay na kaso ng rape sa Pangasinan.
Isa sa mga suspek na isang security guard mula sa Mangaldan, ay naaresto ng mga tauhan ng Mangaldan at Urdaneta police stations sa suporta ng provincial at regional intelligence units.
Ang suspek ay nakatala bilang sixth most wanted person sa Pangasinan.
Inakusahan ito ng six counts ng qualified theft kabilang ang menor de edad.
Kasalukuyan itong naka-detain sa Mangaldan Police Station custodial facility habang naghihintay ng commitment order ng korte.
Sa Lingayen ay naaresto naman ang isa pang suspek na wanted sa rape ng mga tauhan ng Lingayen Municipal Police Station sa pakikipag-ugnayan sa Police Station 8 ng Baguio City Police Office.
Ang suspek na residente ng Lingayen ay naaresto naman sa bisa ng warrant na inisyu ng Regional Trial Court sa Baguio City. RNT/JGC